(Pedxingismo SO1.Ep04)
Umabot na sa sampu ang mga kilala’t kaibigan kong pumanaw na dahil sa COVID19. Karamihan sa kanila hindi na nakapagpaalam sa kanilang mga mahal sa buhay ng pumanaw.
Meron siguro sa kanila na ang huling nasa isipan ay kung pano mabibigay ang PIN ng kanyang ATM sa kanyang asawa, may 5,000 savings pa yun na natitira para sana sa nalalapit na birthday ng bunso nila. Ni hindi nya alam na nakaconfine na rin pati asawa nya. Putang ina, Masakit. Durog in thousand pieces ang puso ko sa ganitong eksena.
Kaya tagos ang galit ko kapag may mga gagong binabalewala ang health protocols at ginagawa lang katuwaan, o worst ay gamitin sa pamumulitika ang pandemia. At sana mangisay na ang mga nananakot at nagpapalaganap ng kaisipang kontra bakuna.
Huwag po nating balewalain at gawing biro lang ang COVID19. Seryosohin natin ang pagpapatupad sa health protocols. Let us be carriers of hope not of the virus. Be well, and keep safe always. Mahigpit na yakap sa lahat (virtual, mas safe).
