(Pedxingismo S02.Ep29)
Pansinin ang isang istilo ng banat sa gobyerno ng mga alagad ng Maoistang kulto ay yung kukwentahin nila ang ginagastos ng gobyerno sa isang gawain nito o ang mga lakad nito, at ipapakitang sobrang laki nito o insensitive at iskandaloso ito. Ang dulo ng kwenta ay sasabihing dapat ang iskandaloso at labis-labis na gastos na ito ay inilaan na lang sana sa mga mahihirap, sa ganito at ganire. O di ba, tonong concerned ang kuda ng mga ungas.
Biblical ang ganitong hugot, basahin ang bagong tipan sa Juan 12: 3-6 at makikita dun. May kanta nga hinggil dyan sa Jesus Christ Superstar movie. Kaya heto, basa:
“3)Kumuha naman si Maria ng isang bote ng mamahaling pabangong galing sa katas ng dalisay na nardo, at ibinuhos sa mga paa ni Jesus. Pagkatapos, pinunasan niya ang mga ito ng kanyang buhok. At napuno ang buong bahay ng halimuyak ng pabango.(4) Ito’y pinuna ni Judas Iscariote, ang alagad na magkakanulo sa kanya. Sinabi niya, (5)“Bakit hindi na lamang ipinagbili ang pabango at ibinigay sa mga dukha ang pinagbilhan? Maaaring umabot sa tatlong daang salaping pilak ang halaga ng pabangong iyan!” (6) Sinabi iyon ni Judas, hindi dahil sa siya’y may malasakit sa mga dukha, kundi dahil sa siya’y magnanakaw. Siya ang tagapagdala ng kanilang salapi, at madalas niyang kinukupitan ito.”
O di ba? Ang tawag sa ganyang kuda ay KWENTANG HUDAS. Dahil ang sadya ng Kwentang Hudas na ginagamit ng mga Maoista ay hindi para sa isang dalisay na tunguhin para sa masa, kundi paano maka-upak at pumuntos ng propaganda laban sa gobyerno at maka-pogi points. Amen.
Isang pinagpalang Linggo sa inyo mga kapatid. Sumainyo ang kapayapaan.
