“Social media is not a safe space.” – Tarana Burke

(Pedxingismo S03 : Ep.05)

The once-clear divisions, blocks and alignments between influencers and social media pundits have now disintegrated into amorphous blobs.

Sa salimbayan ng mga isyus ngayon minsan nagkakapanagpo na sa parehong pusisyon ang dati’y magkatunggali, at magkatunggali naman ngayon ang dati’y magkasangga. Napansin ko rin na halos magkaparehas na ng asta, asal, saltik at linya ng argumento ang dati’y magkaibang brand na tropa. Pare-parehas ng gumagamit ng name-calling-branding, fake news, group-think, cancel this and that, etc…Wala nang pagkakaiba, hindi na uniqe ang branding batay sa kulay. Wala nang defined lines.

Sa paglaon ng panahon at sa pagtining ng mga tunggalian, nabubulatlat ang mga loyalties, nalalantad ang mga makasariling agenda at nabibisto ang mga padrino ng mga pabida sa social media, at lumalabas na ito ang nagtatakda sa mga indibidwal na linyahan ng pusisyon. And as always many have mastered the art of making their selfish desire seem like the national interest, kaya marami silang napapasunod.

Kaya sa lahat ng mga sumusulpot na isyu, maigi ang maging kritikal at mapanuri. Huwag basta lang magpadala sa kung anong opinyon o panawagan ng idol nyong influencer o pundit. Tandaan wala naman silang pakialam kung anong pusisyon mo basta lang magkaroon sila ng engagement at traffic. Huwag magmadali hayaan mo munang mahinog at magkahugis ang isyu. Just let things fall into place. Saka na pumusisyon at ngumawa kapag malinaw na sayo ang lahat ng panig at angulo ng isyu.

By being critical and discerning, you can make informed judgments, avoid falling victim to misinformation or biased narratives, and maintain a well-rounded perspective on political and social issues discussed in social media.

Better yet, ayon sa aking Partner na si Bambit, “You know what, you can have an opinion and NOT post it on social media.”🤨