Laban Filipinas

(Pedxingismo S03 : Ep.09)

Nanalig ako sa kakayanan ng ating Philippine Women’s National Football Team o ang Filipinas. Tagumpay na ang mapasali lang sila sa FIFA Women’s World Cup! Sa kaunaunahang pagkakataon, maiwawagayway na ang bandila ng Pilipinas in the arena of the world’s greatest and most popular spectator sport. Malaking karangalan na ito para sa bayan.

Pero habang ipinagdiriwang natin ang tagumpay ng Filipinas, one match at a time, meron naman sa atin na naging kahibangan ay ang i-bash ang team. Kesyo hindi naman daw mga pure pinay ang mga players natin.

Ang pagiging Pilipino ay nasa puso, kahit na ika’y pinanganak sa ibang bansa at supling ng magkahalong Pilipino at ibang lahi. Para sa akin ang isang tunay na Pilipino ay yung nagmamahal at nagbibigay ng karangalan sa ating bayan sa kahit anong paraan at kahit nasaan pa man. May mga purong Pilipino nga pero kapag hindi nasunod ang gusto ay itatakwil na ang inang bayan at magpapaampon na lang sa ibang bayan. Meron ding mga wala nang ibang pinagkakaabalahan kundi ang sirain at wasakin ang ating bayan.

Mga ipokrito lang ang mga namumuna at nangbabash sa komposisyon ng ating National Women’s Football Team dahil daw hindi ito purong pinoy, habang puring-puri naman sila kay Pia Wurtzbach, Catriona Grey, Apl.De.Ap, Jordan Clarkson, at iba pa…

Our Filipinas players’ roots are Filipino at pinoy ang tibok ng kanilang puso. They represent our flag and their victory brings honor and pride for our country…and yes, they proudly sing Lupang Hinirang with gusto.

Ladies, on your next match against Norway, you don’t have to overthink on how to become Champions, because for us you are already Champions! Now just focus on the game and have fun!

LABAN FILIPINAS! 🇵🇭