Sa Conspiracy ang tambayan ni Marites

(Pedxingismo S03 : Ep.O3)

Saan kumuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha ang DDB para baliin ang kaisahan nila with DOT at tuluyang pahiyain at siraan ang DOT at Kalihim nito? Alam ng DDB ang magiging epekto ng ginawa nilang kapalpakan. Hindi bibenta yung palusot na parang na ‘Ay Mali!’ lang sila, or as their lame excuse said, “oversight” lang. Kung sadya man ito, malamang sa alamang, may nagbigay ng kumpas sa DDB na beyond sa reach ng powers and pay grade ni Sec. Frasco.

Ang posibleng scenario rito ay tanggal si Sec. Frasco sa DOT, mukhang yun nga ang nais mangyari ng mga may pakana nito. At kung hindi magbitaw o matanggal, bagkus ay magtuloy-tuloy pa rin ang DDB para sa kampanya ng turismo, aba’y malakas nga ang sinasandalan nilang pader.

Maalala ko lang si Sec. Frasco nga pala ang Spokesperon ni VPSD noong 2022 kampanya nito na ang banner slogan ay Mahalin natin ang Pilipinas. Love the Philippines lang din kung sa englis.

🤔 hmmm, parang some invisible powerful forces want to nip the bud. Bago makatake-off at umalagwa, gupitin na ang pakpak. Sino pa nga ba ang nasa kabinete na nasa sphere ng influence ni VP Sara? Aba’y mangamba na kayo sa pusisyon nyo!

Nga pala, FYI Marites, sarado na ang Conspiracy cafe.