Creative Cretinism

(Pedxingismo S03 : Ep.02)

Malinaw ang framing, kuha agad ang build up ng storyline na lulundo sa idea kung bakit Love the Philippines. Convincing na sana.

Until nabuking na yung video ad ng DOT for its LOVE the Philippines campaign ay siningitan pala ng stock videos of scenes from other countries. Biglang parang naging salat tayo sa magagandang eksena. Akala ko ang sentrong binibida natin ay ang likas na kagandahan ng Pilipinas, at hindi, ni sa katiting na segundo ay mga eksenang mula sa ibang bansa!

The design is so tinapulan, trabahong tamad. Hindi na nagkusang magshoot at namitas na lang ng video clips sa internetz. Buti sana kung ang mga pinitas na videos ay mga eksena sa Pilipinas lang din, eh hindi. How disappointing. Pero Mahal ko pa rin ang Pilipinas. Mahalin pa rin natin ang Pilipinas.