(Pedxingismo S03 : Ep.07)
Walang iisang recipe ang adobo kahit sa Pilipinas. Merong piniprito muna ang karne, meron ding diretso salang na lahat sa pot. Iba-iba din ang mga dagdag rekados, pero parehas lahat ang base ingredients – suka, toyo, bawang at paminta. Search nyo sa Youtube ang adobo recipe at sandamakmak ang lalabas na iba’t ibang recipe at istilo ng pagluto.
Sa buong buhay ko dalawa lang ang nakakapagluto ng pinakapeborit kong adobo sa buong mundo, yung luto ng Nanay ko at ng yumao kong Auntie Behing. Ang kanilang lutong adobo ang pamantayan ko sa lasa at sarap ng lahat ng adobo.
Wala na akong masabi sa napanood kong video ni Rachael Ray na nagluto ng version nya ng “filipino” adobo at fried rice, I just remember what Anthony Bourdain said:
“She’s selling us satisfaction, the smug reassurance that mediocrity is quite enough. She’s a friendly, familiar face who appears regularly on our screens to tell us that, ‘even your dumb, lazy a** can cook this!”
