uLOL

(Pedxingismo S03 : Ep.08)

By bringing a civil action against their critics, the CPP-NPA-NDF fronts merely want to strike two birds with one stone. It’s their usual tactic of exploiting propaganda, but now they’re aiming for a monetary reward. A new way to raise funds.

In the first place hindi naman talaga sila naniniwala sa ating judicial system. Ika nga sa kanilang mga pag-aaral ng Marxismo sinasabing, the laws are designed to benefit the bourgeois ruling class, as law enforcement agencies reflect and protect its interests. The police, courts and jails are tools and organized expression of class exploitation.

Ang kanilang pagsampa ng kaso sa korte ay hindi pagpapakita ng kanilang pagtitiwala sa ating batas at korte. Ginagamit nila itong paraan para i-challenge ang role ng korte at pilipitin ang batas para sa kanilang propaganda. Kaya kahit na anong maging resulta ng kaso win-win ito para sa kanila.

Kung manalo, ipapangalandakan nila ang kawastuhan ng kanilang reklamo at siyempre may jackpot prize pang pera silang makukuha. At kung matalo, aba’y tagumpay pa rin sila sa kanilang propaganda na ang mga batas at korte ay nagpapatunay na instrumento ng naghaharing uri at ng gobyerno para sa kanilang makauring interes – ang batayan ng kanilang mantra na “weaponizing the law”!

This is just another run-of-the-mill Maoist propaganda trick, nothing more and nothing novel.