Shifting sands in motion

(Pedxingismo S03 : Ep.04)

Ang midterm election sa 2025 ay mahalaga sa sinumang nagbabalak tumakbo pagka-Presidente sa 2028. Ito ang panahon ng pagsiguro ng mga vote bases. Paniguradong hakbang ang pagpunla ng magiging mga poste at gatekeepers ng mga botante sa lokal. Ngayon pa lang naguumpisa na ang alignments and realignments ng mga magkakampi at magkalaban sa pulitika mula national hanggang sa lokal.

Kaya lahat ng kaganapan ngayon sa pulitika ay iinog sa ganitong kompas. Ang scenario kung merong mangyayaring rigodon sa kabinete ay nakatuon sa paniniguro ng loyalties ng mga taong hahawak sa balon ng resources para sa war chest ng 2025 midterm election. Kaya sa ganito, more often maraming mga manok ng administrasyon ang nananalo sa midterm elections.

Again, in politics nothing happens by accident, everything is by design. Sa mga kaganapan ngayon, be wise and discerning in your decisions regarding which sides to align yourself with and which causes to champion. You might end up serving some motherfucker’s interest and agenda.