(Pedxingismo S01.Ep05)
Kanya kanya ang pagkilala sa mga bayani at martir. Depende kaninong perspektiba at paniniwala. Depende sinong nagkukwento. To each according to their truths or myths.
Sa aking libro, ang mga bayani ay yung lahat ng sinaunang mga kilala at lahat ng walang mukha’t pangalan na nakibaka’t lumaban sa panahon ng mga Kastila at pananakop ng Amerkano at Hapon.
Kasabay kong kinikilala, pinupugayan at pinasasalamatan ang sanlaksang mga makabagong bayani ng ating panahon: ang ating mga OFWs, lahat ng Frontliners, at ang ating magigiting na kapulisan at kawal na nakikipaglaban sa mga kriminal at terorista.
Mabuhay kayo, mga bayani ng bayan ko!
#heroesday2021
