It’s just a Biasong

(Pedxingismo S02.Ep19)

Ito ang tanim naming ‘Biasong’ (small-flowered papeda, Citrus micrantha var. micrantha). Kaiba ito sa Dayap. Ang biasong ang nagbibigay ng pahumot at pampalami sa kinilaw.

Tinanim namin ito sa aming citrus garden kasama ng mga buongon at lemonsito – yung maliit gud nga boungon. Pero parang ayaw nya sa citrus garden, namumulaklak sya pero hindi tumutuloy sa paglaki ang bunga. Kaya nilipat namin sya ng puwesto. Ngayon ito na ang kanyang unang alay after sya narelocate.

Namiss ko na tuloy ang magkinilaw. Share ko lang kung pano ako/kami magkilaw:

Ang mga rekados: isda (malasugi), asin, sili, sibuyas, luy-a, suka nga tuba, lemonsito, biasong, tabon-tabon (Hydrophytune orbiculatum). Hiwaon cubes ang isda, hugasan ito sa suka nga tuba, tapos ihalo dayon ang mga lamas at timplahan sa asin. Ang suka nga tuba ang gamitin nga panghalo, ang lemonsito pangpa-asim, ang biasong pangpahumot. Ang tabon-tabon ang magsilbing mayonnaise, in small amounts lang – kay mopait kung masubrahan). Saka na sa huli ihalo ang sili para matantya ang kahalang.

Pagkatapos kumain, hindi ginaadvise nga moinom ng tubig…dapat tuba o uban pang ilimnom, katulad sa softdrinks o alak. Ang variation nito ay ang tinatawag na SugbaKilaw, ito yung haluan ang kinilaw ng inihaw nga baboy. Tapos sabayan dayon ng higop sa mainit nga sabaw ng sariwang isda o imbaw, daog na! Ang tawag sa ganitong combo ay SUTUKIL.