Budol

(Pedxingismo S02.Ep20)

Ayaw ko na sanang pansinin at patulan ang sinasabi ng mga Finktards na ang mga bumoto sa UNITEAM ay mga nabudol daw. Imagine 31+Million na pinoy ang nabudol! Ganito rin sabi nila nung natalo sila sa 2016, at nang nilampaso sila sa 2019.

Andaming naging panatikong Finks, pinalaganap nila ang cancel culture, meron pang mga isinakripisyo maging personal na relasyon, mga taga-simbahan na tinaya pati pulpito, mga celebrities, artists at iba pang fight me shits, etc…dahil paniwalang-paniwala sila na tanging si Leni ang liwanag sa dilim. Si Inang Leni lang ang may kakayanang mamuno at kayang harapin ang lahat ng mga problema ng ating bansa.

Matapos ang botohan at milya-milya ang layo sa agwat ng pagkatalo, lumabas din ang tunay na paninindigan ni Inang Leni, aniya “…nung hindi ako nanalo…I kept telling myself…mahal ako ng Diyos na siguro iniiwas ako sa mas malaking problema.” Ayun, sa likod ng mga bulaklaking islogan at kulay rosas na mga salita, ang tingin pala ni Leni sa responsibilidad kaakibat sa pagiging Pangulo ay isang malaking problema, at salamat na lang sa Diyos at iniwas daw sya rito. Buladas lang pala yung lalaban ako, lalaban tayo mantra. Ang lagay ay tira-tsamba lang pala ang buong kampanya at baka sakali lang ang panawagang “Ipanalo na10 to”.

Tingnan ang imahe, basahin at ikumpara ang sinasabi ng dalawa. Ngayon, sinong mga suporters ang totoong nabudol?