Basa Talakay

(Pedxingismo S02.Ep21)

“If you only read the books that everyone else is reading, you can only think what everyone else is thinking.”― Haruki Murakami, Norwegian Wood.

This is true. Ang aking pampulitikang kamulatan ay nahubog sa isang kilusan na lulong sa absolutismo at dogmatismo. Back in the day ang mga librong dapat na binabasa namin ay yung sasang-ayon lang sa linya at ideolohiya ng kilusan. Otherwise baka mapagbintangan kang lumilihis sa linya at maging revisionista. Ang group think ay paraan daw sa ideological cohesion and remolding para mawaksi ang Peti-burgis na world outlook at matransporma ito sa mapagpalayang proletaryadong kamulatan, kaya dapat yung “official” books lang ang binabasa at pinag-aaralan. Dahil dogmatic and absolutist, ang resulta sarado ang pag-iisip, bulag na tupang sunod-sunuran, atrasado at mangmang ang kasapian ng kilusan. Kung anong i-subo na kaalaman mula sa sentro yun lang ang tatanggapin ng utak.

Isang paraan para sa re-tooling or re-education ay ang pag-basa at pag-aaral sa mga librong dati’y rejected at tinuring na mga basura. Mga librong inakda ng mga tinaguriang mga rebisyunista, kontra-rebolusyonaryo, anarkista, pasista, kapitalista, imperyalista at diktador, etc…lahat nang libro na noong araw ay trinatong banned. Ika nga ni Isaac Asimov “Any book worth banning is a book worth reading”.

Noong buhay pa si erpats marami syang kwento sa akin about kay Marcos. Syempre dahil nga tibak ako noon, di ko ito pinansin. I remember Dad had one or two ot these Marcos books, di ko na ito mahanap sa mga lumang baul. Sana naipamana nya yun sa akin. Gusto kong basahin at aralin ang mga librong ito ngayon upang mas mapalawak pa ang pag-intindi ko sa ating kasaysayan at lipunan.I hope marepublish ang mga ito, o kaya’y magkaron ito ng ebook versions. Kung meron kayo, pdeng pahiram?

(Photos courtesy of Patricia Nikki Fisher Tablizo)