IN THE NAME OF THE FATHER

(Pedxingismo S02.Ep22)

Hindi lang sa okasyon ng Father’s day kita maaalala Dad, kundi sa bawat araw na ginawa ng Diyos. Sa bawat pagsulat, o kapag may tumatawag sa pangalan ko, kayo agad ang sasagi sa isipan ko. Habambuhay kong dala ang inyong pangalan hanggang iukit ito sa lapida ng aking huling himlayan. Kaakibat nito, habambuhay kong aakuin ang obligasyong magkusa sa bawat araw na alagaan ang dangal nito para sa iyong ala-ala. Napakalaking karangalan para sa isang anak ang mapiling pagmanahan ng Ama ng kanyang pangalan. Salamat Dad. Alam kong pinili nyo ako dahil malamang sinabihan ka ni Mama na magkasing pogi tayo. Happy Father’s Day Daddy.