Beyond Politics

(Pedxingismo S01.Ep08)

Ang pulitika ay hindi pirmis, nagbabago ito lagi depende sa pagpihit ng sitwasyon at sa materyal na kondisyon. Habang ang pamilya at pakikipagkaibigan ay habambuhay, kapag hindi mo ito sisirain dahil lang sa pulitika na may temporaryong kaayusan, at may hangganan.

Isipin mo, i-aabandona mo ba ang iyong mga kaibigan o maging pamilya mo dahil lang sa pagkakaiba nyo sa pulitika at dahil hindi sila boto sa kandidato mo? Magpaka-sagadsaring panatiko ka ba sa iniidolo mong pulitiko, gayong ang kandidato mo’y magiging kaibigan at alyado lang din bukas ng kanyang katunggali ngayon? Tandaan ang pusisyon mo sa pulitika ngayon ay maaari mong pagsisihan bukas.

Hindi kawalan ang pulitika sa buhay, ang malaking kawalan ay kapag pamilya’t mga kaibigan mo ang mawalay sayo.