(Pedxingismo S01 Ep.09)
In 2016, ramdam mong may totoong ispontanyong kilusang masa na buhay at gumagalaw para ikampanya si Mayor Duterte pagkaPresidente. Walang nagmamando o nagsasabi na gastusan mo kandidato mo para mag-imprenta ng tshirt o tarp, sumali sa caravan, magdonate o magvolunter. Lahat ay volunteer, kanya kanyang imprenta ng collaterals, kahit sa sako, karton, lumang kalendaryo, libreng tshirt printing etc, at lahat ay nagsisharing ng campaign materials.
Yung kapitbahay namin na nanghingi ng DU30 tarp sa akin ang sabi nya ilalagay nya ito sa harap ng tindahan nya sa puwestong hindi ito mananakaw. Dahil nga salat sa mga tarp, nagkakaroon ng nakawan ng mga DU30 tarp. Yung suki kong tricycle driver, todo alaga sa mga DU30 stickers na nakadikit sa tricycle nya at pinupunasan pa nya ito kapag nadudumihan.
Kampanya pa lang alam mong mananalo na si Digong. Dumalo ako sa isang pro-administration campaign rally ng mga incumbent at kumakandidatong Local Government Executives. Lahat sila naka-dilaw, pero kalagitnaan ng programa may nagsalitang kandidatong Mayor na nagsabing “pasensya na kayo mga boss, pero ang iboboto ko talaga ay si Digong”. Nagtayuan halos ang lahat ng dumalo sa rally nakataas kamao. At sa presensya ng mga walang magawang dilawang opisyal na pasimuno ng rally, umalingawngaw sa buong gym ang nakakatindig balahibong sigaw na, Duterte! Duterte! Duterte! At that very instance, finish na, panalo na si Digong.
Kapag may nagmamando, may nagkokompas, may naghahakot at may nagbabayad para makapagpakilos ng masa, artificial ito, at gaano man karami ang nahakot ay tyak hindi ito matatransporma bilang boto. Ang tunay, dinamiko at buhay na kilusang masa ay yung kusa at ispontanyong kumikilos ang masa, dahil alam nilang para sa kanila ang ipinaglalaban nila. Kahit hindi mo ito pagsasabihan o bayaran, mangunguna, sasama, at tutulong ito sa mga pagkilos at ito ay tyak na mabibjlang mo na bilang boto plus sampu pa ng kanyang pamilya.
Maraming masayang kwento at karanasan noong kampanya ng 2016 na mananatiling buhay sa ala-ala. Gaya ng mga eksena ng taos pusong tulungan. Maalala ko yung mga dumadaang pribadong sasakyan na kusang tumitigil para pasakayin ang mga taong naglalakad sa kalye papunta sa Miting de Avance ni DU30.
