(Pedxingismo S02.Ep14)
In fairness natapos na lang ang eleksyon at sa kabila ng pagkakaiba ng pusisyon wala namang antagonistikong bardagulan ang naganap sa aking Facebook.
Merong nag-iisang old college school mate na nagtangkang mang-troll, malakas ang loob magkomento kahit di ko naman sya close at di nya ako gaanong kilala. Hindi ko naman sya inunfriend o kinancel. Meron ding isang dating kasama na siguro huli kaming nagkita ay nung late 1980’s pa, ni hindi ko nga sya FB friend. Pero bigla na lang syang nagPM sa akin ng mensahe ng pagkarsorpesa ansabe “bakit, of all people ikaw pa?” at sabay nangagaral na parang feeling nya PO ko sya at binababaan ako ng pagpapaliwanag sa tamang linya at pinakamatalas na analisis hahaha. Sinagot ko lang sya, No SI No Right to talk, ayun hindi na sya nag-PM ulit. Merong ibang nag-PPM na civil naman at friendly kahit alam nilang BBM-SARA ako at alam kong Leni-Kiko sila. Walang nagtangkang sabihan ako ng LET ME EDUCATE YOU.
In fine, all is swell, nanalo rin si BBM-SARA. Although alam ko naman kung anong magiging position nila sa bagong dispensasyon, but I hope my Pink friends will still treat me as a friend as I wish all of them well. Ang pulitika, lalo na ang mga pusisyon ay may mga termino, ang pamilya at pakikipagkaibigan ay pang-habang buhay kung nanaisin at aalagaan mo ito. In this world, I choose to have more friends than enemies.
Nga pala, late photo post ito, a week ago binayo kami ng malalakas na hangin na sinasabunutan ang mga puno. Hindi nakaya nang aming 6 yrs old Benguet Pine tree at nabuwal ito. Nang pinutol na namin ito nakita naming parang naagnas ang loob ng trunk nito, kaya pala sya mabuway na.
