No Fear

(Pedxingismo S02.Ep.09)

“Collective fear stimuates herd instinct, and tends to produce ferocity toward those who are not regarded as members of the herd.” – Bertrand Russell, Unpopular Essays

Kaya siguro bakit hanggang ngayon wala pa ring akong naririnig na ibang naratibo ng pinagsanib pwersa ng dilaw + pula = Fink, kundi ang argumento ng TAKOT! Ang buod ng argumento nila ay ganito, merong momo na may “Grand Design” na baguhin ang kasaysayan at agawin ang kapangyarihan. Kaya dapat matakot tayo sa mga nangyari sa nakaraan, na hindi na natin mababalikan. Dapat matakot tayo sa bukas, dahil masama ang mangyayari kung hindi sila ang maghahari! Ayaw nilang humakbang pasulong ang Pilipinas, ang gusto nila ay maging paralisado tayo sa TAKOT, para sila ang humakot!

Para makamit natin ang isang bagong Pilipinas, iwaksi ang mga kaisipang buktot at huwag tayong pagagapi sa takot. Babangon at sasalubungin natin ang isang umagang kay ganda at sumulong sa landas ng pagbabago na tangan ang pag-asa at pagkakaisa. Gawin nating gabay sa pagpili ngayong halalan ang imortal na mga salita ni Nelson Mandela, “May your choices reflect your hopes, not your fears.”