(Pedxingismo S02.Ep10)
Buti na lang at may SMNI at sa pinili nitong mahusay na panel. They have provided the platform for us to hear Presidential candidates present their programs and thoughts on various issues and concerns na mas maluwag at klaro. Hindi sya program na ang habol ay viewer rating lang kaya pilit, kundi binigyan nito ng halaga ang oras para sa presentasyon at pagsagot ng mga kandidato.
Mahusay ang ginawang format ng SMNI Deep Probe, mas focused and direct ang exchange sa pagitan lang ng kandidato na nakasalang sa Hot Seat and the panelists, wala nang paligoyligoy para pumitik o manira sa iba. It made us realize na kung yung present lang nung SMNI Deep Probe ang mga tumatakbong Presidente, mas intelihente pala ang usapan at mas marami kang matututunan. Kaya nga hindi na-miss yung mga umabsent.
