MAHIGPIT NA YAKAP

(Pedxingismo S01.Ep11)

Minsan nagkaroon ng patakaran ang Mexico sa paglaban sa mga Narcos na ang katawagan ay, “Abrazos, no balazos” (Hugs, not bullets). Para daw walang masaktan o mamatay. Parang ‘No Killing’ lang. Ang resulta lumusob ang mga Cartel, nangmasaker kaliwa kanan kaya tumiklop ang gobyerno ng Mexico, pinaluhod ng mga Narcos. Mas halimaw pa sa demonyo ang mga cartel at tulak ng droga, wala itong sinasanto kahit sino, wala silang kinikilalang batas. Kaya kahit saan kaya nilang maghasik ng lagim at kamatayan.

Ngayon paano natin haharapin ang problema ng ilegal na droga sa Pilipinas? Gagayahin ba natin ang patakaran ng Mexico na ‘Abrazos no balazos’ o ‘Yakap hindi bala’? I-pray over at pameryendahin ang mga halimaw para masabing ‘No Killing’ ang ating anti-drug campaign?

Ang sa akin lang, nakakabahala kapag manumbalik sa paghahari ang mga druglords at tulak. Mas lalong maging kawawa ang mga nasa laylayan ng lipunan. Ang sa akin lang (again), paigtingin pa dapat ang War on Drugs, lipulin ang mga salot ng lipunan, durugin na parang vetsin! Kung nais man natin silang yakapin, yakapin natin sila ng napakahigpit, hanggang hindi na sila makahinga. Let us hug them with our open Arms – yung arms na nakakalas na ang safety!