(Pedxingismo S02.Ep12)
Alam mong tagos na sa masa ang mensahe kapag naririnig mo na itong inuulit-ulit kahit saan, mula tricycle drivers, tindera sa palengke hanggang sa mga batang naglalaro sa kalye at nagiging LSS na ito ng madla. Madaling yakapin ng masa ang mensahe kapag natumbok nito ang saloobin nila.
‘Bagong Pilipinas, Bagong Mukha!’ This draws the line, ayaw na ng masa sa dating kalakaran ng mga dilaw at pula. Naumpisahan na ni PRRD ang pagbabago ng mukha ng Pilipinas, kelangan ituloy ang Bagong Mukha ng Pilipinas.
‘May Prinsipyo, May isang salita’ – sagot ito sa katangian ng mga balimbing at TRAPO, na kinamumuhian ng masa dahil walang prinsipyo at walang isang salita. Nagsasalamin ito sa kampanyang may paninindigan at hindi naninira.
Ikombina mo ang dalawang linya at ito ang linyang nagdedetermina sa laban ng masa, ang bagong mukha ng Pilipinas at katangiang may prinsipyo at isang salita.
At sa labang ito ang kailangan nila’y yung “Kaibigan Nyo, Kaibigan ko”, walang binabanggit na Presidente Nyo o Bise Presidente Ko, kundi KAIBIGAN! This drives into the heart of people to easily identify who are there with them in their fight.
Then the message resonates with the beat and rythm of the ordinary people in the streets and easy to chant around.
Simple ang lengwahe, at tagos ang mensahe. Hindi kagaya ng mga linyang hinugot kung saan-saang mga literary workshops, o lengwahe ng mga Starbucks activists, gaya ng “lalaban tayo’, ‘tanglaw’, ‘radikal magmahal’, ‘kulay rosas ang bukas’, etc…corny, OA, trying
hard na magtonong lengwahe ng bangketa republic. Kaya gaya ng produktong binebenta nila, ang mensahe ng mga Finks ay nakalutang sa alapaap. Parang fight me lang.
