A Precedential Debate

(Pedxingismo SO2.Ep05)

Napanood ko in full ang SMNI Presidential Debate kagabi. Sa kabila ng puna at paninira ng iba hinggil dito, at ang pagbalewala rito ng apat na kandidato, matagumpay na naidaos ito.

Mahusay ang production, format and mechanism ng debate and the handling of the moderator. Magaling ang mga panelists, asking the right, pertinent and relevant questions, yung hindi pang slambook o showbiz talkshow. Malinaw at sapat na nailahad ng mga Kandidatong humarap ang kanilang mga pusisyon sa bawat tanong o issue, walang nagpataasan ng ihi. Kahit sa haba at tagal ng oras, hindi ka mababagot sa panunood. The viewers were given a wider angle on things that really matter, from a varied perspective of two former gov’t officials, a former legislator and a labor activist.

Sa debateng ito panalo ang SMNI, ang mga Panelists, ang mga Kandidatong humarap, at ang satisfied viewers. Siguradong magiging precedence at reference ang SMNI debate na ito sa mga susunod pang debates.

Tyak pinaanod ito ng mga kandidatong umabsent, at sa isipan ay magsasabing, sayang sana dumalo ako.